Advertisement

Search Your Favorite Songs

Search Your Favorite Songs

Gandang sinauna at sariwa - Bukas Palad

By: Bukas Palad

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat Kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha Mong tanan
Di ko akalaing Ikaw pala'y nilisan

Ako'y tinawagan mula sa katahimikan
Pinukaw Mo ang aking pandinig
Biglang luminaw ang awit ng daigdig

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Tapat Kang nanahan sa 'king kalooban
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan

Ako'y inilawan mula sa 'king kadiliman
Minulat Mo aking mga mata
Biglang luminaw tanglaw ko sa tuwina

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Ako'y nagpabihag sa likha Mong tanan
Di ko akalaing Ikaw pala'y nilisan

Kay tagal bago Kita minahal
Gandang sinauna at sariwa
Akong nilikha Mo, uuwi rin sa 'Yo
Ako'y papayapa lamang sa pilin Mo

Related Posts

0 Response to " Gandang sinauna at sariwa - Bukas Palad "

Search Your Favorite Songs