No Copyright Infringement Intended, for Educational Purposes Only.

Magalak sa Kapanganakan Lyrics | Hangad

Lyrics: Ryza Martinez
Music: Elliot Eustacio at Ryza Martinez
Arrangement: Elliot Eustacio

Hindi ba’t may Maria’t Joseng nananahan
Sa bawat taong nais ay manilbihan?
Ang pagsang-ayon nila ay tularan,
Muli ay dinggin Kanyang kalooban.

Hindi ba’t tayo ang tupa at pastol
Na naglalayag patungo sa sanggol?
Payak man ay tigib naman ng pag-ibig,
Hangad ay umawit ng Kanyang himig.

Koro:
Tanaw ang tanglaw patungo sa Kanya,
Sa Betlehem ay tunghayan ang saya.
Ang ating Mesiyas ay tunghayan ang saya.
Ang ating Mesiyas doon sa sabsaban
Ang tagapagligtas ng sanlibutan.

Halina, halina’t magalak sa kapanganakan!
Haina’t magdiwang! Si Kristo ay isinilang!
Ngayong Kapaskuhan, papurihan,
Awitan ang kapanganakan!

Halina!

Hindi ba’t tayo ang tatlong haring mago
Tangan ang regaling s’yang alay kay Kristo?
Sundan ang bituing taglay ang pagningning,
Sundan ang bituing taglay ang pagningning,
Na’ng tanging hiling na Siya’y makapiling.

Koro:
Tanaw ang tanglaw patungo sa Kanya,
Sa Betlehem ay tunghayan ang saya.
Ang ating Mesiyas ay tunghayan ang saya.
Ang ating Mesiyas doon sa sabsaban
Ang tagapagligtas ng sanlibutan.

Awitan ang kapanganakan!

Grab the Music Sheet Magalak sa Kapanganakan (SATB) :

Post a Comment

0 Comments