No Copyright Infringement Intended, for Educational Purposes Only.

Tao Lyrics - Rez Valdez

Ang Tao'y nilalang ng Diyos
upang sa Kanyay sumunod
ang Anak Nya'y nabayubay sa Krus
upang ang sala natin ay matubos

Bawat tao sa daigdig
may tungkuling gagampanan
nais ng Diyos tayo'y magmahalan
at hwa'g mahuli sa kasalanan

Ngunit sadyang ang tao'y marupok
at kay dali nya'ng makalimot
buhay natin sa mundo'y maikli
'di nating dapat sayangin

Bawat araw sa ating buhay
ipaglingkod ng lubusan
sa ating Diyos na Sya'ng lumalang
at sa ating kapwang nangangailangan

(oh--oh--oh--)

Bawat araw sa ating buhay
ipaglingkod ng lubusan
sa ating Diyos na Sya'ng lumalang
at sa ating kapwang nangangailangan

Coda
at sa ating kapwang nangangailangan
at sa ating kapwang nangangailangan

Music and Lyrics: Rez Valdez
Album: Tupang Ligaw

Post a Comment

0 Comments