Alay Namin
Himig: Fr. Carlo Magno MarceloAwit sa pakikinabang (Offertory song)
Advent
Alay namin sa Iyong pagdating,
kabutihan, pag-asa't mga pusong tapat.
Samo namin ay Iyong dinggin,
galak at kapayapaan nawa ay kamtin.
Itong alak at tinapay, mga bungang alay:
halo ng pawis at biyaya ng langit.
Sa aming pag-ibig sa kapwang kapatid,
bubunga ng buhay na Iyong bigay.
Alay namin sa Iyong pagdating,
kabutihan, pag-asa't mga pusong tapat.
Samo namin ay Iyong dinggin,
galak at kapayapaan nawa ay kamtin.
Itong alak at tinapay, mga bungang alay:
halo ng pawis at biyaya ng langit.
Sa aming pag-ibig sa kapwang kapatid,
bubunga ng buhay na Iyong bigay.


0 Comments