Pananabik Lyrics by Hangad Music Ministry
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
Buhay naming nalilihis
sa pagkukulang at pagmamalabis.
Akayin kami upang makabalik
sa daan ng Iyong pag-ibig.
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
Kapwa naming hinuhusganhan
o tinatanggihang damayan.
Imulat kami sa katotohanang
sila ay Iyong kalarawan.
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
Turuan kaming mamuhay nang payak,
tuklasin ang bukal ng galak.
Biyaya Mo'y sapat para sa lahat
dahil pag-ibig Mo ay tapat.
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.
O Dakilang Mesiyas... namin.
Titik at Himig ni Mimo Perez
Pagsasaayos ni Elliot Eustacio
Instrumental ni Kenneth Dacanay
Performed by Hangad Music Ministry


0 Comments