Advertisement

Search Your Favorite Songs

Search Your Favorite Songs

Sa Puso Mong Angkin Lyrics - Tinig San Jose

Sa Puso Mong Angkin Lyrics - Tinig San Jose

Verse 1
Sumilang ako sa tibok ng 'Yong puso
Amang mapagkalinga ang nasilayan ko
Lakas ng bisig,lamyos ng tinig
Sa aki'y nagpapahimbing...

Verse 2.
Sinikap iguhit ang banal Mong puso
Mabigyang galak Ka ang tanging layon ko
Iningatan ito sa lalim ng 'Yong pusong
Nakaukit mandi'y larawan ko.

Koro:
O,Dios ng pag-ibig pa'nong ako'y mahalin?
Lubos na pagtingin sa akin ay ihain,
'Di makatkat ng isip hiwagang kaylalim
Puso ko'y pahimlayin sa puso mong angkin.

Verse 3.
Yaring bunso Mo,kung minsa'y may tampo
Pagkat inakalang nilisan ako
Sa pagtatampisaw,sa kinang nitong buhay.
Nalimutang Ika'y kalakbay.

Koro 2:
O,Dios na walang maliw
Ang puso ko'y akitin,lumalayo sa'Yo
Nag-iisang pilit,turuang tumibok
Ang pusong namamanhid.
Puso ko'y pahimlayin sa puso Mong angkin.


O,Dios ng pag-ibig pa'nong ako'y mahalin?
Lubos na pagtingin sa akin ay ihain,
'Di makatkat ng isip hiwagang kaylalim
Ang puso ko sa puso Mo'y pahimlayin
at Iyong angkinin.

End
sumilang ako sa tibok ng 'Yong puso





Music Video || Courtesy: Youtube.com

Related Posts

0 Response to " Sa Puso Mong Angkin Lyrics - Tinig San Jose "

Search Your Favorite Songs