No Copyright Infringement Intended, for Educational Purposes Only.

Ang Pupuno Sa Akin Lyrics - Bukas Palad Music Ministry

Madama man ang ligaya,
matanggap man ang karangalan,
Maangkin man yaman at kalayaan,
nasa'kin man ang lahat,
ngunit may kulang pa.

Maabot man ang tagumpay,
makamtan man mga parangal,
Makuha man mga luho at layaw,
nasa'kin na ang lahat,
ngunit may kulang pa.

Aanhin ko ang lahat ng yaman dito sa mundo
kung wala Ka naman sa puso ko?
Anong halaga sa buhay ng tagumpay at parangal?
Makuha man ang lahat, hindi rin sasapat.
Ikaw lang ang pupuno sa kulang na buhay ko.

Magbago man ang karangalan, mawala man ang karangyaan, (ang karangyaan)
Maglaho man ang tuwa at saya,
basta't Ikaw ang kapiling,
lahat ay muling kakamtin

Ang ating pagkukulang ay bunga ng pagkaligaw
Hayaan sundan ng puso ang Daan ng Buhay patungo sa Katotohanan

Aanhin ko ang lahat ng yaman dito sa mundo
kung wala Ka naman sa puso ko?
Anong halaga sa buhay ng tagumpay at parangal?
Makuha man ang lahat hindi rin sasapat.
Ikaw lang ang pupuno sa kulang na buhay ko.

Magbago man ang kapalaran,
mawala man ang karangyaan.
Maglaho man ang tuwa at saya,
basta't Ikaw ang kapiling,
lahat ay muling kakamtin.

Ikaw lang ang pupuno.
Ikaw! Ikaw! Ikaw!


Lyrics and Music: Lui Morano
Album: Hindi Kita Malilimutan (Celebrating over 20 Years of Bukas Palad Music Ministry)
Jesuit Communications Foundation, Inc.

Post a Comment

0 Comments