Advertisement

Search Your Favorite Songs

Search Your Favorite Songs

Maging Akin Muli Lyrics

Manlamig man sa Akin puso mong maramdamin

Lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw

Manginig man sa takot masindakin mong puso

Mag-ulap man sa lungkot diwa mong mapag-imbot.

Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.

Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko

Sa ‘yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo

Manahimik at makinig ka’t maging Akin muli.

Di mo rin akalain tinig mo’y hanap Ko rin,

Ang ‘yong tuwa at sakit, Aking galak at pait.

Kung lingid pa sa iyo, Aking pakikiloob,

Tuklasin mong totoo: tunay mong pagkatao.

Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.

Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko

Sa ‘yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo

Manahimik at makinig ka’t maging Akin muli.

Lyrics and Music: Arnel dC Aquino SJ

Music Video || Courtesy: Youtube.com
Related Posts

0 Response to " Maging Akin Muli Lyrics "

Search Your Favorite Songs