Hesus Ng Aking Buhay Lyrics - Bukas Palad

Hesus Ng Aking Buhay Lyrics - Bukas Palad

Hesus Ng Aking Buhay - Arnel Aquino SJ

Sikat ng umaga
Buhos ng ulan
Simoy ng dapithapon
Sinag ng buwan
Batis na malinaw
Dagat na bughaw
Gayon ang panginoon kong
Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong ginigiliw
At siyang itatapat sa puso

Tinig ng kaibigan
Oyayi ng ina
Pangarap ng ulila
Bisig ng dukha
Ilaw ng may takot
Ginhawa ng aba
Gayon ang panginoon kong
Hesus ng aking buhay

Saan man ako bumaling
Ika’y naroon
Tumalikod man sa ‘yo
Dakilang pag-ibig mo
Sa aki’y tatawag at magpapaalalang
Ako’y iyong ginigiliw
At siyang itatapat sa puso



Music and lyrics: Arnel Aquino SJ

Post a Comment

0 Comments