Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus) Lyrics - Hangad - Christian Song Lyrics
Search Your Favorite Songs

Featured Post

Nothing Else Lyrics - Cody Carnes

Verse 1 I'm caught up in Your presence I just want to sit here at Your feet I'm caught up in this holy moment I never want to le...

23.6.19

Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus) Lyrics - Hangad

Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus) - Hangad

Ave Maria, gratia plena
Sancta Maria, mater Dei

Kay lamig na ng hangin, lumalatag ang dilim.
‘Di maabot ng tingin itong lagim.
Narito ang ‘Yong ina, damhin Mong yakap-yakap Ka.
Sa kandungan ko, Sinta, mapanatag Ka, Sinta

Nais ko’y pagmasdan Ka sa ‘Yong pamamahinga.
Minsan pa’y iduyan Ka, awitan Ka.
‘Di ko man nababata, puso ko’y lumuluha.
Sa Iyong pag-iisa, sasamahan Ka.

At hihilumin ang brasong sugatan, papawiin mga luha Mong taglay.
Lilinisin, mukha Mong dinumhan, paagusin ang luha kong alay.
Madama ko man mga tinik, yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw.
Ihehele’t iduduyan Ka; mahimbing na, tapos na.

Aking Ama! Ako’y nilisan Mo na ba?
Bigyang liwanag, alipin Mong aba.
Tinalikuran Mo na ba? Dinggin ang panalangin ko, Ama!
Sumasamong pagpalain Mo, nang minsan pa’y masabi ko sa ‘Yo:
“Ako’y alipin Mo; sundin ang loob Mo, Ama ko.”

Hihilumin ang brasong sugatan, papawiin ang luha Mong taglay.
Lilinisin, mukha Mong dinumhan, paagusin ang luha kong alay.
Madama ko man mga tinik, yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw.
Ihehele’t iibigin Ka; tapos na, tapos na.



Music by: Paulo K. Tirol
Lyrics by: MJ Francia
Album: The Easter Journey

No comments:

Search Your Favorite Songs