No Copyright Infringement Intended, for Educational Purposes Only.

Nais Kong Awitan Ka Lyrics - Rez Valdez

Nais kong awitan Ka ng pasasalamat
Ligaya ng aking puso, nais kong ipahayag,
Tunay na kaybuti Mo O Panginoon,
Sa mga pangako Mo'y tunay kang matapat

Dumarating ang sandaling ako'y nalulumbay,
Kalungkutan sa aking puso'y Iyong pinaparam,
Puso ko'y sumisigaw ng pasasalamat,
Pagdurusa'y pinawi mo, nais kong awitan ka.

Koro:
La--la--la-- O Diyos kaybuti mo,
Awit kong ito ay para sa Iyo,
Nais kong ialay buong buhay ko sa paglilingkod Sa'yo.

Nais kong awitan ka ng bagong awit,
Titik at ang ibig nito'y ang iyong pag-ibig,
Awit ng pasasalamat ang aking hatid,
Nais kong awitan Ka O Diyos ng pag-ibig.

Koro:
La--la--la-- O Diyos kaybuti mo,
Awit kong ito ay para sa Iyo,
Nais kong ialay buong buhay ko sa paglilingkod Sa'yo.

Nais kong awitan ka ng bagong awit,
Titik at ang ibig nito'y ang iyong pag-ibig,
Awit ng pasasalamat ang aking hatid,
Nais kong awitan Ka O Diyos ng pag-ibig.

Music and Lyrics: Rez Valdez
Album: Tupang Ligaw

Post a Comment

0 Comments