No Copyright Infringement Intended, for Educational Purposes Only.

Magalak sa Paghihintay Lyrics | Dhong S. Zamora

Lyrics: Dhong S. Zamora 
Music: Alejandro D. Consolacion II
(Finale Song: Simbang Gabi)


Nagpupuri sa Maykapal ng santinakpan.
Nananabik na mamasdan; Kanyang kadakilaan
Lahat muling magtipon, tayong kanyang hinirang.

Ang kayang pagliligtas, pangako sa 'ting pagdiriwang.
Maghintay sa pasilang ng Diyos na Haring Mesiyas.
Magbunyi! Magalak! Diyos nati'y tapat.

Darating ang hinihintay; Poong kinasasabikan.
Nag-aalab sa paghihintay, mga bansa at bayan.
Mapupuspos ng kariktan ang tahanan ng Maykapa!

Ang kayang pagliligtas, pangako sa 'ting pagdiriwang.
Maghintay sa pasilang ng Diyos na Haring Mesiyas.
Magbunyi! Magalak! Diyos nati'y tapat.

Magbunyi! Magalak! Diyos nati'y tapat.
Maghintay sa pasilang ng Diyos na Haring Mesiyas.
Magbunyi! Magalak! Diyos nati'y tapat.

Post a Comment

0 Comments