The 3o'clock Prayer (Tagalog Version)
Namatay ka, Hesus subalit ang bukal ng buhay ay lumagalas para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan.
O bukal ng buhay, na walang Hanggang Awa ng Diyos, balutin mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat.Sa umpisa, dasalin ang:
Isang Ama Namin;
Isang Aba Ginoong Maria;
Isang Sumasampalataya /(kredo ng Apostolis)
Sa bawat malalaking butil ng bawat dekada:
Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Inyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Jesu-Kristo, na aming Panginoon at Manunubos.
Para sa ikapagpapatawad ng aming mga kasalanan at sa sala ng buong mundo
Sa sampung maliliit na butil bawat dekada:
Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Jesus,
Kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.
Pagkatapos, bigkasin:
Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong mundo. (3X) AMEN.
Sign of the Cross (+)
1 Comments